Categories
Alamat

ABKD

ABKD lyrics by Alamat

Sa paggulong ng ‘yong buhay
Masusubukan ka nang tunay
Huwag yuyuko halaga mo’y ginto, uh yeah
Mabato man ang daan
Puno pa ng mga hadlang
Huwag uurong tiwala ako sa’yo

Huwag mong hayaang magkaagiw
Ang iyong mga pangarap
Iwasan mong magpadala sa mga mapanghamak
Ngayon ang tamang panahon ika’y magsikap
Lakad pasulong

A, abutin ang ‘yong mithiin
Ba, bagbagin mga balakid
Ka, kampi ang mga tala
Mundo mo ito
Da, dampian mo ng pag-asa
Magtiwala ka sa’yong sarili
Ga, gabay mo si Bathala
Mundo mo ito

Diay nagsinaan ti dalan
Sitatalged adda pagdudua
Wala man sang may kapat-uran
Pwu piyo mga may mahibal-an
Lakang sa unahan nga ingun
Ani kab-ota ang pangan-doy mo
Maglawig na ka karon

E mu papabureng managi ya ing
Kekang panagimpan
Mga magpapaubos diri dapat pamatian
Ngunyan ang tamang panaon
Ngane ika higusan
Kipol ka bungat

A, abutin ang ‘yong mithiin
Ba, bagbagin mga balakid
Ka, kampi ang mga tala (Kakampi ang mga tala)
Mundo mo ito
Da, dampian mo ng pag-asa (Pag-asa)
Magtiwala ka sa’yong sarili (Woah, ohh)
Ga, gabay mo si Bathala (Yeah)
Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (Abakada)
Bilang isa, dalawa, tatlo (A-abakada)
Bayanihan ikaw, ako
Mundo mo ito
Abakada, awitin mo (Awitin mo)
Bilang isa, dalawa, tatlo (Woah, ohh)
Bayanihan ikaw, ako
Mundo mo ito

Oh, minsan ay mabibigo
Pagtatawanan at ilulubog, nandito ako
Anuman ang pinagdaraanan
At agam-agam sa isipan
Hinding-hindi ka iiwan

A, abutin ang ‘yong mithiin (Mithiin)
Ba, bagbagin mga balakid (Bagbagin mga balakid)
Ka, kampi ang mga tala
Mundo mo ito
Da, dampian mo ng pag-asa (Pag-asa)
Magtiwala ka sa’yong sarili
Ga, gabay mo si Bathala
Mundo mo ito

Abakada, awitin mo (Awitin mo)
Bilang isa, dalawa, tatlo (Dalawa, tatlo)
Bayanihan ikaw, ako
Mundo mo ito
Abakada, awitin mo (Abakada)
Bilang isa, dalawa, tatlo (Woah, ohh)
Bayanihan ikaw, ako
Mundo mo ito

Tiwala sa sarili, ga-gabay mo si Bathala (Awitin mo)
Dire-diretso lang ‘di mo kailangan mabahala
Bilang isa, dalawa, tatlo
Isa, dalawa, tatlo, ikaw
Alamat, handa ‘rap

Leave a Reply

Your email address will not be published.