Categories
Jeiven

Aking Bahaghari

Aking Bahaghari lyrics by Jeiven

Ipikit ang mga mata
Halika na’t dadalhin kita
Sa dulo ng bahaghari

Oh, ipikit ang mga mata
At wag nang mag alinlangan pa
Nandito ako sa’yong tabi
Halika na’t tayo’y aalis
sa mundong mapait

Chorus:
Oh, halika na
Wag mag alala
Oh, aking sinta
Isasayaw kitaaa
Sa dulo ng bahaghari

Verse:
Imulat ang mga mata
Hindi ginto ang aking nakita
Kundi ikaw, ikaw, ikaw,
Ang kayamanan ko

Talikuran natin ang mundo
Magtiwala sa sinabi kong
Ika’y mamahalin
Hanggang sa dulo
Ooh

Chorus:
Ooh, halika na
Kahit di marunong wag mag alala
Ooh, aking sinta
Isasayaw kita

Bridge:
Kapag dumilim ang paligid mo
ako’y magiging ilaw mo
at itutuloy ang pagsayaw
sasamahan kang gumalaw

At kung pagod na at di na kaya
Sasamahan kang magpahinga

Chorus:
Oh halika na
Oh aking sinta
Isasayaw kita
sa dulo ng bahaghari

Outro:
Oh ikaw ang kayamanan ko
Ang kasama hanggang dulo
Paraluman oh aking mundo
Oh oh oh oh
Oh aking bahaghari

Oh, oh, ikaw ang kayamanan ko
Ang kasama hanggang dulo
Paraluman oh aking mundo
Oh oh oh oh halika na
Oh aking bahaghari

Leave a Reply

Your email address will not be published.