Categories
Stell

Anino

Anino lyrics by Stell

[Verse 1]
Ako ay nandito
Lamang sa tabi mo
At kahit kailanma’y
’Di kita iiwan
Dahil ang tala ko’y
Nabihag ng mata mo
Pero wala ‘kong anino
Sa tuwing nariyan ang liwanag mo

[Chorus]
At kahit na gano’n pa man
Ay yayakapin lamang kita
‘Wag nang mag-alala pa
Kailanma’y ‘di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin (Mm-mm, mm)

[Verse 2]
Walang hindi ko
Kaya para sa iyo
Handa ‘kong maglaho
Kung ‘yon ang bubuhay sa liwanag mo
Dala ko’ng pangako
Sa’yo na palasyo (Ooh-woah)
Na gawa sa mga batong binulsa
Nilikom ang naipong bigat na iyong dala-dala (Ah-ah)

[Chorus]
At kahit na gano’n pa man
Ay yayakapin lamang kita
’Wag nang mag-alala pa
Kailanma’y ’di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin

[Interlude]
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh
Ooh-ooh, ooh-ooh-ooh
Ooh-ooh-ooh-ooh, ooh-ooh

[Bridge]
Oh, heto ako
Bibigyan ng kinang ang pangalan mo
Ang layon ng bawat paghingang ito
Ibigay sa’yo
Lahat ng magagandang bagay sa mundo
Oh, wala ito
Malalim man ang sugat na aking natamo
Wala pa ‘yan sa kalingkingan ng pagmamahal ko
Buong pagkatao, kahit mawalan pa ng anino

[Chorus]
At kahit na gano’n pa man
Ay yayakapin lamang kita
’Wag nang mag-alala pa
Kailanma’y ‘di na mag-iisa
Habang-buhay kitang mamahalin

[Outro]
Kahit ‘di mo batid
Ooh-ooh, ooh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *