Baliktanaw

Nawala na ang init lumamig ang paligid
Isang kapeng mapait – napabayaan sa gilid
Lumuluha ang langgit sayo’y biglang lumapit at
Agad akong kumapit nilabas ka sa silid

Matay’y nagkatinginan
Biglang nagkangitian
at nagkaintindihan
Salita’y di na kailangan

Magbalik tanaw habang sumasayaw
Sa kumpas ng hangin at lakas ng ulan
Di ramdam ang ginaw pagkat natutunaw
sa init ng yakap, parang di na lilisan
Sana’y hindi na matapos itong pag buhos
Gaya ng pagtingin kong di maubos ubos
hanggang maalala mo nang lubos
ang dating pag pag-ibig at bawat haplos

Ang araw ay sasapit mauubos ang tamis
Hindi pagpapalit at handa akong magtiis
Susuyuin ka kahit manligaw paulit ulit
Titiisin ang pait wag ka lang mawaglit

Matay’y nagkatinginan
Biglang nagkangitian
at nagkaintindihan
Salita’y hindi na kailangan

Magbalik tanaw habang sumasayaw
Sa kumpas ng hangin at lakas ng ulan
Di ramdam ang ginaw pagkat natutunaw
sa init ng yakap, parang di na lilisan
Sana’y hindi na matapos itong pag buhos
Gaya ng pagtingin kong di maubos ubos
hanggang maalala mo nang lubos
ang dating pag pag-ibig at bawat haplos

Halika na’t mabalik tanaw
sa panahong lahat ay malinaw
ating dalawin ang dating ikaw
pagibig na dinaig ang sikat ng araw
kung kailangang galitin ko ang langit
ibagsak lang ang ulan ako’y mangungulit
walang sawang hihiling ang matang nakapikit
mapagod man ng sobra ito ay sulit
sabi nila lahat may hangganan
mga puso raw natin ay may kapaguran
Matutuyo ang lupa pagtila ng ulan
magsasawa’t muli mo akong bibitawan
Di man pabor satin ang araw at buwan
hinding hindi nila ako kayang hadlangan
Ibabalik ko sa dati ang pagmamahalan
Pagkat di nila alam aking nasasaksihan

At kung isang bahaghari ang mundo
Higit pa sa ginto ang nasa dulo nito
Hindi magsasawang ipaalala sa iyo
Na ang natagpuan ko ay ang pagibig mo

Magbalik tanaw habang sumasayaw
Sa kumpas ng hangin at lakas ng ulan
Di ramdam ang ginaw pagkat natutunaw
sa init ng yakap, sana’ di na lumisan