Categories
Ice Escala

Bibitawan Na Kita

Bibitawan Na Kita lyrics by Ice Escala

Tuwing nag-iisa naaalala mo pa ba?
Mga araw na kay saya na inipon nating dalawa
Panaho’y lumipas na pero puso’y ramdam ko pa
Sana ay malimot na ang sakit na nadarama
(Ang sakit na nadarama)

‘Di pa rin nag-iiba ang damdamin ko sinta
Na iyong nalimot na pinagsamahang kay ganda
At kahit na umiwas pa ikaw pa rin walang iba
Sana ay malimot na ang sakit na pinadama
(Ang sakit na pinadama)

Pipilitin na malimutan kita
Iisipin na panaginip lang kita
Kahit na anong sakit aking nadarama
Bibitawan, bibitawan na kita

Tatanggapin ko na sa’kin wala ka na
Hayaan mo sinta ‘di mo na makikita
Paalam, paalam na, paalam
Magpapaalam na

Pipilitin na malimutan kita
Iisipin na panaginip lang kita
Kahit na anong sakit aking nadarama
Bibitawan, bibitawan na kita

Pipilitin na malimutan kita (Bibitawan na kita)
Iisipin na panaginip lang kita (Bibitawan, bibitawan na kita)
Kahit na anong sakit aking nadarama (Bibitawan, bibitawan na kita)
Bibitawan, bibitawan na kita

Leave a Reply

Your email address will not be published.