Categories
Guddhist Gunatita

Binata

Binata lyrics by Guddhist Gunatita

Ahhh….

pera….

problema….

pipipilit ko nilalayo damdamdamin ko sa pera
pero diko maagapan lalong mas lumalala pa
ang hinggil ko nakakakitil hirap pag masdan
postura ng buwaya nasa sapa lumalapa

pangarap na mailap pilit nais mahagkan
senaryong mag asawang hirap gumawa ng bata
pagiging ghetto mas bagay saakin na tignan
mapera na binata kahit na walang korbata

sawa nasa de lata, dala ng mag tiwala
Marinong ako’y bata tapos naging marijuana
bingi sa utos nyo kaya kusang ginawa na
ang point kolang naman tuldukan mga problema

sawa nako sa drama, kasi di nako bata
gusto lagi ng tama, rebelde na binata
gusto ko na ng tama kasi nga naka toma
di nagsasawang magbilang ng pera sabay goma

Para saan ba sinasabi niyong munting diploma
kundi ka naman kaya sagipin pag may problema
Kaya ba niyan aregluhin pag may nangursunada
Imbes nakahilata, brigada sa eskwela

Paano mo masasabi na merong kaalaman
Kung lahat yan galing lamang sa silid paaralan
Tunay nga ba na merong katuturan
Ang mga nakita ko mula dito sa likuran

Pasensya sa abala, sa mga nakabala
Saking naiwang salita sana di maghinala
Lalabo lang naman ako pag walang antepara
Saking nakita’t namasdan, ako ay nagambala

Nakakaadik po mahirap mag walang bahala
Nakaka traumang balikan mga maling akala
Sa daming pwedeng dalasan bakit paghihinala
Pangarap kasi malaki kaya gustong makuha
Gunitahin ka mang-mangan hindi ko mahinuha
Gusto ko sumagana, hindi mag pakasasa
Inuna ko trabaho kaya di na kasama
Sa lakad ng magtropa, solo na lang tumoma

Sinindihan ko ng damo mas lalo pang tumama
humaba ng humaba, gabi hanggang umaga
Bumaga ng bumaga, diretso sa aking baga
usapang bisyo risyo to daig ko pa si papa

Winasak ang sarili mag-isa walang kasama
tinatanong ni mama, anak ayos ka lang ba
Sagot ko lang sige ma, alam ko na ang tama
wag niyo intindihin ako ay matanda na

Wala kong tampo diyan, ayoko lang ng drama
problema ko lulutasin ko ng walang kasama
Kuntento saking kama kahit na walang ozawa
ako at ang sarili ko kasama ko sa gera

Pepera ng pepera, sindi ng mahiwaga
nag sisipag ako kahit init di alintana
Kesa maghapon na kadungaw lang don sa bintana
ako’y pumapasada, buhay isang karera

Plano ko na manalo mapasama sa hilera
sa matinding makata, hindi kumandidato
sana merong suporta kahit na walang balato
dating minamaltrato, ng aking kapwa tao

Ngayon lahat nagbago, hindi na nagpasako
ayoko ng masakop ng pasa ang pagkatao
Habang nakangiti pa sige kunan mong litrato
sa sobrang saya ko akala ng iba sira ko

Para kong nahihilo, salamat sayo baso
takot magka-atraso pero hindi magka-kaso
Maging alipin kailanman hindi ko pinaplano
sulat gawa lang ng kanta hanggang sa may magbago

ahhh….

merong mag-babago….

merong mag-babago….

merong mag-babago, kahit na sobra akong napaka gago

ahhh….

shoutout….

1096….

dolomites….

3 replies on “Binata”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *