Categories
Marlo Mortel

Bituin

Bituin lyrics by Marlo Mortel

Oh liwanag, liwanag, oh liwanag,

Hanging bumubuga, sinag ng ilang umaga
Tila walang saysay, puso’y mistulang patay
Paulit-ulit na hapdi, nauubusan na ng ngiti
Ganito na lang ba palagi? Araw ay parang gabi

Bituing mahiyain, kay sarap mong tanawin
Mga matang lumuluha, pwede ba kitang tanungin?
Bituin mahiyain, paano mo naaatim?
Patuloy ang pagniningning sa mundong madilim
Maaari mo ba akong sagutin?

Oh liwanag, liwanag, oh liwanag,

Umaasa sa kinang, tuldok na nagmula sa iyong kalangitan
Damdamin ba’y mabubuo?
Hindi pa ba sawang maghilom?
Bumagsak dito sa lupa, padama ng ‘yong ginhawa
Pailawin mo ang ‘yong dalang pag-asa
Patikim naman ng nawawalang hiwaga

Bituing mahiyain, kay sarap mong tanawin
Mga matang lumuluha, pwede ba kitang tanungin?
Bituing mahiyain, paano mo naaatim?
Patuloy ang pagniningning sa mundong madilim
Maaari mo ba ‘kong sagutin?

Oh liwanag, liwanag, oh liwanag,

Binubuhay mo ako, sa ligayang dala mo
Binubuhay mo ako, sa hiwagang dala mo
Binubuhay mo ako, sa ligayang dala mo
Binubuhay mo ako, sa hiwagang dala mo

Bituing mahiyain, kay sarap mong tanawin
Mga matang lumuluha, pwede ba kitang tanungin?
Bituing mahiyain, paano mong naaatim?
Patuloy ang pagniningning sa mundong madilim
Maaari mo ba ‘kong sagutin?

Oh liwanag, liwanag, oh liwanag,

Leave a Reply

Your email address will not be published.