Categories
kuyabons

DEXIE

DEXIE lyrics by kuyabons

Napakakulit dilag na marikit
Binibini ko simple at mabait
Malambing at sweet
Para kang anghel nabumaba sa langit
(Sa langit)

Ang iyong ganda ay nakakamangha
Isa kang mahiwagang prinsesa
Di makumpara pagkat katangian mo’y
Dalagang pilipina

Verse 1:
Tirik na ang araw Oh nakakasilaw
Ngunit ang kagandahan
mo pa rin nangibabaw
Wala ng papantay pa
Ngayon ikaw ang bida
Kahit magdamagan
Tingnan di nakakasawa
Ang iyong mukha
Imaheng diwata
Ngiti mo’y parang kupidong pumapana
Daming humanga ika’y halimbawa
Ng isang dyamanteng
‘sing Kintab ng tala

Refrain I:
Tala lalala walang magagawa
Pag-ngumiti ka na doon na ang simula
Lahat natulala di makapaniwala
Na isang kang biyaya na
Hinubog ni bathala.

Chorus:
Napakakulit dilag na marikit
Binibini ko simple at mabait
Malambing at sweet
Para kang anghel nabumaba sa langit
(Sa langit)

Ang iyong ganda ay nakakamangha
Isa kang mahiwagang prinsesa
Di makumpara pagkat katangian mo’y
Dalagang pilipina
(Saludo sa’king idolo)

Gamer sa umaga
Gamer sa gabi
Gusto nya magdrive
Pag di mapakali
Oh binibini kami’y nabihag mo

Verse 2:
Mundo mo’y makulay
Saya ng buhay
Mga bagay na mahalagang hawak ng ‘yong kamay
Humanay ang planeta
Handa na ang korona
Dahil ikaw na ang susunod na maging reyna
Mahal ka ng madla na laging natutuwa
pinapanood ka stress nila’y nawawala
Bata man o matanda
Kulang pa ang salita
Sayo na ipakita kanilang paghanga

Refrain II:
Hula lalala isa kang himala
Hatid mo ay ligaya
Kahit san ka mapunta
Kumukutitap sa alapaap
Makasama ka’y matagal na naming pangarap

Repeat Chorus

Bridge Rap
Desente kong pomorma
Di na kailangan pa
magpasexy para lang mapansin ng iba
Sa laro kakaiba
Oh hanep talaga
Kahit ano pang online games ay kayang kaya niya

Repeat Chorus

Leave a Reply

Your email address will not be published.