Categories
Selena Marie

Di Sinasadya

Di Sinasadya lyrics by Selena Marie

‘Di sinasadya, ako’y natulala
Mundo ko’y nag-iba nang makita ka
Maaari bang kwento natin simulan
Sana ay pagbuksan, ‘wag mo nang pakawalan

‘Di naman sa pinipilit kita
Nais ko lang na sa’yo’y ipadama

Ang pag-ibig na masaya
Hinding-hindi ka iiwan
Hinding-hindi ka hahayaang malumbay
Pag-ibig ko’y tunay
Kaya halika na sa piling ko sinta

Oh, oh, oh, oh, oh…

Sa bawat sandali na ikaw ay katabi
Di maiwasan na titigan ka
Sa’king mga mata ay makikita ba
Lihim ko na pagsinta ngunit pa’no nga ba?

Sa tuwing lalapit-lapit ka
Ang puso ko ay kumakaba-kaba

Oh halika na, sa piling ko sinta
Hinding-hindi ka iiwan
Hinding-hindi ka hahayaang malumbay
Pag-ibig ko’y tunay
Kaya halika na sa piling ko sinta

Halika na, sa piling ko sinta
Hinding-hindi ka iiwan
Hinding-hindi ka hahayaang malumbay
Pag-ibig ko’y tunay
Kaya halika na sa piling ko sinta

Oh, oh, oh, oh, oh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.