Categories
Janine Berdin

Dito

Dito lyrics by Janine Berdin

Ikaw ang masayang kantang likha ng aking puso
Araw-araw aawitin
Hanggang sa makabisado

Hayaan mo rin sana akong mahimbing sa’yong dibdib
Sulitin natin ang pagkakataon
Hanggang abutin ng dilim

Pag-ibig ko’y parang init ng araw
Sapat na ang ikaw hanggang sa mundo ay magunaw
Kay sarap pumikot habang dinig ang ‘yong tinig
Sana’y ‘wag nang matapos ito
Dito lang tayo

Sapat na’ng mga plano ni tadhana na para sa’tin
Nanamnamin, aangkinin
Ilatag ang laman ng puso

Bawat munting pagkalito
Lilinawin ko sa’yo
Pagmamahalan ay patitibayin
Magtiwala ka sa’kin

Pag-ibig ko’y parang init ng araw
Sapat na ang ikaw hanggang sa mundo ay magunaw
Kay sarap pumikot habang dinig ang ‘yong tinig
Sana’y ‘wag nang matapos ito
Dito lang tayo

Ang pagkakaiba, hindi ko makita
Ikaw at ako ang s’yang mahalaga
Anupaman ang ating pagdaanan
Mananatili ang ating pagmamahalan

Pag-ibig ko’y parang init ng araw
Sapat na ang ikaw hanggang sa mundo ay magunaw
Kay sarap pumikot habang dinig ang ‘yong tinig
Sana’y ‘wag nang matapos ito

Pag-ibig ko’y parang init ng araw
Sapat na ang ikaw hanggang sa mundo ay magunaw
Kay sarap pumikot habang dinig ang ‘yong tinig
Sana’y ‘wag nang matapos ito
Dito lang tayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.