Categories
Alisson Shore Kiyo

ELLIE

ELLIE lyrics by Alisson Shore, Kiyo

[Verse 1: Alisson Shore]
Ikaw ang musika sa tag-ulan (Ikaw ang musika)
At ang heleng hindi na mauubusan ng hininga (‘Di maubusan ng hininga)
Kausap ka palagi (Kausap ka palagi), mas lumalim ang bunga ng dati
Pagal man, ikaw ang aking pahinga (Ikaw ang pahinga)
Nakahiga lang sa kama, ‘di inda ang mga kalat
At ang gusto lang marinig ay ang pangarap na
Dalawang pusa, isang aso at may tirahan do’n sa Baguio
O Batanes kahit sa’n basta maigi na
Maglalayag, maglalakbay, maghahangad ng ibang buhay
Malayo sa nakasanayan kong mga ingay
Kung pupwede lang, ‘di lang maiwan ang aking katayuan
Hawak ang iyong mga kamay
Ayaw nang bumitaw
Walang pakialam sa iba
Pangalan mo lang ang aking isisigaw (Pangalan mo ang isisigaw, yeah, yeah)

[Chorus: Alisson Shore]
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw (Walang iba)
Walang iba, walang iba
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw
‘Di kailangang mag-alala (‘Di na kailangan)

[Verse 2: Alisson Shore]
Maghalo na tayo ng presa sa gatas
Ang surpresa, si Kira ang ubas
Ibig kong sabihin, wala kang katumbas
Purong dyamante na parang alahas
‘Di ba ikaw ang paborito ko? Yeah, yeah
Lahat ng nasa’kin ay para sa’yo, yeah, yeah
Lagi lang tayong magkasundo sa tono pati na sa liriko
Ikaw lang dalagang kakilala ang sarili ko
‘Di man ako matagal sa musika
Pero handa akong kalimutan ang lahat maliban lang sa’yo
Nakasakay sa ulap at lutang
Handa nang maligaw, basta’t ikaw ay tanaw
Natagpuan na ang dating matagal kong sinisigaw
Akin ka lang, akin ka lang

[Verse 3: Kiyo]
Akin ka lang, ‘di bibitawan
Alam mo namang hindi biro ang ating daraanan
D’yan ka na lang, hawakan mo aking kamay
At sabay tayo na mangangarap
Aabutin ang langit na, oh, kay ganda
Oh, ang sarap na tumanda kapag kasama ka
‘Di na ‘ko gagamit pa ng malalalim at paligoy-ligoy pa na mga salita
O para mabighani at makuha ang loob mo
Bagkus ay kikilos na lang ako at gagawa
Na paraan para hindi magsisi, yah, maghahatid sa’yo ng ngiti, yah
Ibibigay sa’yo lahat ng meron, kahit na ano, wala ng pero
Kahit sa’n man tayo magpunta, mananatili pa rin tayong terno
Wala nang preno-preno pa, wala na, wala na, wala na

[Interlude: Alisson Shore]
Walang iba, walang iba, walang iba
Walang iba (Walang iba), walang iba (Walang iba), walang iba (Walang iba)
‘Di kailangang mag-alinlangan (‘Di na kailangan)

[Chorus: Alisson Shore]
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw
‘Di kailangang mag-alinlangan (‘Di na kailangan)
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw

[Outro: Alisson Shore]
Walang iba, walang iba
Walang ibang mahal kung ‘di ikaw
Walang iba, walang iba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *