Categories
Ben&Ben

Elyu

Elyu lyrics by Ben&Ben

Kahapon sa paglalakad
Natisod na naman
Ng kastilyong buhanging kung sa’n
Gumuho ang pinagsamahan

Nakikita sa
Hampas ng mga alon ay ikaw pa rin

Pakiusap lang
Lumayas ka sa’king isipan
Nang umahon na
Ang puso sa dalampasigan mo

Dumampi sa’king pisngi
Ang init ng araw
Pinawi kahit sandali,
Damdamin kong giniginaw

Nakikita sa
Hampas ng mga alon ay ikaw pa rin

Pakiusap lang
Lumayas ka sa’king isipan
Nang umahon na
Ang puso sa dalampasigan

Iiwas na kung maaari
Na para bang walang nangyari
Ayaw ko nang magpatali sayo

Pakiusap na
Lumayas ka sa’king isipan
Nang umahon na
Ang puso sa dalampasigan

Pakiusap na
Hayaan mo na ‘kong umusad
Nang umahon na
Ang puso sa dalampasigan mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.