Categories
Gwy Saludes Marc Alfaro

Ginintuang Tanawin

Ginintuang Tanawin lyrics by Gwy Saludes, Marc Alfaro

Napapaisip sa gitna ng kaguluhan
Litong-lito sa pulso ng nararamdaman
‘Di mawari kung ito’y isang panaginip
Tila ang puso ko’y naglalaro sa kalawakan

Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan
Magkatabi’t sinisilayan ka
Di na alam, naguguluhan
Tuwing kasama kita sa

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko
Sa pag ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Sana’y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata mo

Sumisilip ang tinatagong kagustuhang
Makasama ka’t manatili sana sa iyong tabi
Umaawit sa kislap ng ‘yong mga ngiti
Hihiling na lang na sana’y ako man lang ay iyong tignan

Sa liwanag ng araw, ikaw ay nariyan
Magkatabi’t sinisilayan ka
Di na alam, naguguluhan
Tuwing kasama kita sa

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Ika’y kapiling ko
Sa pag ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam ang palad mo

Sana’y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Nakitang gumuhit
Sa ganda ng mata mo

Nagtatanong ang aking isipan
Nais mo rin ba akong mahagkan
Hanggang dito na lang ba ang
Ating pagkakaibigan

Ginintuang tanawin
Sa ilalim ng langit
Sana’y malaman mo….
Sa pag ihip ng hangin
Kasabay ng awitin
Ramdam mo ba ako?

Sana’y dinggin ang dalangin
Ang aking hangaring
Mahalin mo rin ako
Kulay kahel na langit
Hindi mapipilit
Mabigyan ng pag-ibig mo

One reply on “Ginintuang Tanawin”

Leave a Reply

Your email address will not be published.