Categories
Morissette

Gusto Ko Nang Bumitaw (From “The Broken Marriage Vow”)

Gusto Ko Nang Bumitaw (From “The Broken Marriage Vow”) lyrics by Morissette

Umiiyak gabi gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan
Hanggang kailan
Talo na, pagod na…
Akala ko ika’y sa akin pa pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?

Naglalagalag sa kadiliman
Naliligaw, nalilito, ano nga ba ako sa ‘yo
Sino nga ba ako sa ‘yo?
Dito sa aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasing lungkot
Walang kasing sakit

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw!

Kung kalungkutan kong kaligayahan mo
Kung pagkagapos ko’y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso kong siyang lunas diyan sa puso mo…
Paano na ako
Magpaparaya ba?
Papakawalan na lamang ba kitang
Buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw!

Humahagulhol ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan kailanman
Ang maling pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko muna ang aking sarili
Bag magmahal muli
Magmamahalan pa kaya tayong muli

Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili sino nga ba
Ako ba o ikaw
Gusto ko nang bumitaw!
Gusto ko nang bumitaw!
Gusto ko nang bumitaw!
Bumitaw!
Bumitaw!
Gusto ko nang bumitaw!

Pipiliin ko nang sarili
Bibitaw…
Bibitaw na

Leave a Reply

Your email address will not be published.