Categories
Sam Mangubat

Hangganan

Hangganan lyrics by Sam Mangubat

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran daw nating dalawa
Sa loob ng kaunting panahon
Pambihirang tamis ang tugon

Ng iyong puso sa akin
Para bang sinasabing
Ika’y gustong angkinin
Pakinggan mo, O Giliw
Himig di magmamaliw
Kahit kailangang bumitiw

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Sa’yo lang ako lumigaya
Ngayon lang ako umibig ng gan’to
O, aking susulitin
Saglit mang tawagin
Kahit hanggana’y dumating

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran nga ba’y madaya
Sa kabila ng pag-ibig na totoo
Panahon na nga ba ang sumuko

Ano mang higpit ng yakap
Lumipad man sa ulap
Paglayo mo’y di na mapigilan
Ngunit bago lumisan
Pakiusap ni minsan
Ako’y di mo malimutan

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Sa’yo lang ako lumigaya
Ngayon lang ako umibig ng gan’to
O, aking susulitin
Saglit mang tawagin
Kahit hanggana’y dumating

Mahal kita…
Mahal kita…

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Salamat dahil lumigaya
Ngayon lang ako inibig ng gan’to
At di ka nagsising
Ako ay ibigin
Kahit hanggana’y dumating

Mahal kita…
Mahal kita’y pinangako
Ang awit ng puso
Bakit kailangang lumayo
At kung di mapigilan
Sana sa paglisan
Ako ay di mo malimutan

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran ba nating dalawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.