Categories
Jerald Napoles Kim Molina

Hatid

Hatid lyrics by Jerald Napoles, Kim Molina

Sa pagitan ng simula’t katapusan
Matagal ko nang pinag-iisipan
Bago mo ako tuluyang iwanan
Ihahatid kita
Kung mayroon akong natutunan
Sa dami ng ating pinag-awayan
‘Yan ay wala akong dapat patunayan
Ihahatid kita

Naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan
Pero hindi tamang ikaw ay iwanan nang walang paalam
Alang-alang sa pinagsamahan
Ihahatid kita

Do’n sa lugar kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita
Walang mangungulit, wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala, ihahatid kita

Binigay lahat ng makakaya
Pag-ibig na tapat mula nung una
Ngunit lahat ito sa ‘yo’y kulang pa
Kaya ihahatid kita

Naisip ko rin namang umalis na ng tuluyan
Pero hindi tamang ikaw ay iwanan nang walang paalam
Alang-alang sa pinagsamahan
Ihahatid kita

Do’n sa lugar kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita
Walang mangungulit, wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala, ihahatid kita

‘Di ka hahabulin, ‘di ka pipigilin
Huwag mag-alala, ihahatid kita

Do’n sa lugar kung saan ka magiging masaya

Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita

Walang mangungulit, wala nang magagalit
Huwag kang mag-alala

ihahatid kita
Kung saan ka magiging masaya
Kahit na hindi ako ang kasama, ihahatid kita
Walang mangungulit, wala nang magagalit

Huwag kang mag-alala, ihahatid kita…
Ihahatid kita

Leave a Reply

Your email address will not be published.