Categories
Yasmin Asistido

Hindi Na Ako Babalik Sayo

Hindi Na Ako Babalik Sayo lyrics by Yasmin Asistido

[Refrain]
Bigla lang pala kitang naalala
Kung saan una tayong nagkita
Nagkatitigan
Nag-aminan ng nararamdaman sa isa’t isa

[Verse 1]
Babalik ka pa ba?
Dito sa ating tagpuan
Babalik ka pa ba?
Na walang iniinda na kahit ano mang bagay o hinanakit

[Verse 2]
Babalik ka pa ba?
Nandito lang ako
Naghihintay na balang araw ika’y babalik rin

Nasaan ka na?
Iiwan mo na rin ba akong mag-isa?
Katulad ng mga ginawa mo sa iba mong babae

Tama nga sabi ng mga barkada mo sa ‘kin na two-timer ka!
Kung hindi two-timer, three-timer!
At sa huli, magiging lima kami!

[Verse 3]
Makuntento ka naman sa isa
Huwag ka nang maghanap ng iba
Andito naman ako
Maghahanap ka pa diyan ng iba!

Talaga bang ‘di ka na babalik?
Mas pipiliin mo nang sumama sa kanya!

[Chorus]
Ayaw ko nang maghintay sa wala
Alam ko namang hindi ka na sa ‘kin
Hindi ka na babalik pa
Do’n ka na sa pangalawa mo!
Do’n ka na sa pangatlo mo!
Do’n ka na sa pang-apat mo!
Do’n ka na sa pang-lima mo!

Do’n ka na
Huwag ka nang babalik pa sa ‘kin!
Niloko-loko mo ako!
Tas babalik ka sa ‘kin

Ano ako! Babalik pa sa ‘yo!
Hindi na mangyayari yun
Do’n ka na sa kanya!
Umalis ka na!
Ngayong pinapalaya na kita!
Ayaw mo namang umalis!

Hindi na ako babalik sa ‘yo!
Kaya umalis ka na
Ngayong malaya ka na!

Sana masaya ka na sa piling ng iba
‘Yan na yung ikakasaya mo
‘Yan na yung pinakakahintay mo

Ayaw ko nang ipagsiksikan sarili ko
Sa taong ayaw sa ‘kin!
Hindi ka kawalan!
Kaya pinapalaya na kita!

Hindi na ako mag-aaksaya ng oras na babalik ka pa sa ‘kin
Ngayong masaya ka na sa iba
Gugulohin pa ba kita?!
Dahil hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan
Dahil masasaktan lang tayo
Pagka pinaulit-ulit pa nating ibalik ang ating nakaraan!

Palayain nalang natin ang isa’t isa

Hindi na ako babalik sa ‘yo
Hindi na ako babalik sa ‘yo
Hindi na ako babalik sa ‘yo
Kahit kailan hinding-hindi na ako makikipag-balikan sa ‘yo dahil pinapalaya na kita!

Leave a Reply

Your email address will not be published.