Categories
iDolls

Hinog Na Ang Mundo

Hinog Na Ang Mundo lyrics by iDolls

Saksi ang bawat estrelya
Sa kuwento nating dalawa
Kay tagal ko ring nanahimik
Araw-araw ang pananabik

At habang nagpipigil, ‘di ko maikumpara
Ang tindi ng pagnanais kong makita ka
Ipaglalaban kong mahal kita

Ang pag-ibig ipagdiwang, wala itong kasarian
Ang mahalaga ay tayo ay nagmamahalan
‘Di na matatakot, sundin ang tibok ng puso
‘Pagkat hinog na ang mundo

At kung ikaw ay malito
Ipapaalala ko sa’yo

Tayo ay kakaibang perpekto
Tunay ang pagmamahalang ito

At habang nagpipigil, ‘di ko maikumpara
Ang tindi ng pagnanais kong makita ka
Ipaglalaban kong mahal kita

Ang pag-ibig ipagdiwang, wala itong kasarian
Ang mahalaga ay tayo ay nagmamahalan
‘Di na matatakot, sundin ang tibok ng puso
‘Pagkat hinog na ang mundo

Ang pag-ibig ipagdiwang, wala itong kasarian
Ang mahalaga ay tayo ay nagmamahalan
‘Di na matatakot, sundin ang tibok ng puso
‘Pagkat hinog na ang mundo

Hinog na ang mundo

Leave a Reply

Your email address will not be published.