Categories
Jose Vitug

Huling Yakap

Panibagong umaga
Ngunit wala ka na sa piling ko sinta
Nababahala, napapatulala
Iniisip kung saan ang sarili’y nagkulang

Hindi na ba, maitutuwid
Itong nalihis nating pag-ibig?

Kung alam ko lang huling araw na pala
Sana ay mas minahal ka pa
Kung alam ko lang huling yakap na pala
Sana’y mas hinigpitan ko na

Bigla na lang lumisan
Di ko man lang alam kung ano ang dahilan
Kung bakit ginusto na tuluyang lumayo
Nabura na ba lahat ng binitawang pangako

Hindi na nga, maitutuwid
Itong nalihis nating pag-ibig

Kung alam ko lang huling araw na pala
Sana ay mas minahal ka pa
Kung alam ko lang huling yakap na pala
Sana’y mas hinigpitan ko na

Mahirap mang aminin
Ako’y alipin ng ‘yong pagtingin
Nagsisisi sa alaala
Na tuyo na ang ‘yong mga luha
Ako’y alila ng pangungulila

Dahil

Kung alam ko lang huling araw na pala
Lahat na sana’y binigay ko na
Kung alam ko lang huling yakap na pala
Sana’y mas hinigpitan ko na

Kung alam ko lang huling yakap na pala
Di na sana binitawan pa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *