Categories
Moira Dela Torre Zack Tabudlo

Iba

Iba lyrics by Moira Dela Torre, Zack Tabudlo

[Intro: Moira Dela Torre & Zack Tabudlo]
Na-na-na, hey
La, hey
Uh-uh

[Verse 1: Zack Tabudlo]
Hindi ko ba nasabi sa’yo mga kailangan kong itago?
Nung panahon na lagi kong nakikita na iba ngiti mo
Nahulog ka na ba sa iba, naghihintay na ba ‘ko sa wala?
Wala naman palang tumatalab sa ginawa ko para sa’ting dalawa
Alam ko na hindi na tayo, pero ba’t pinapamukha mo?
‘Di pa ba sapat lahat ng ginawa ko?
May kulang ba sa’kin o sa’yo?
May pakiramdam din naman ako
‘Wag ka naman parang gago
Ako pa lumalabas na masama
Minahal naman kita ng buong-buo

[Chorus: Zack Tabudlo]
Alam ko namang, alam ko namang
Hindi ako ang hanap mo na, ang hanap mo na
‘Wag mo naman patagalin pa, patagalin pa
Kung wala namang nangyayari na, nangyayari na
Nagmumukha na lang akong iba
Sa dapat mundo nating dalawa
Sa’n na nga ba tayo pupunta?
Tinadhana naman pero naghahanap ka ng iba

[Post-Chorus: Zack Tabudlo]
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba)
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba)
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba)
Ba, ‘di ko alam ba’t naghanap ng iba?
Ba-ba-ba ng iba
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba, yeah, yeah)
Bakit ba, bakit ba naghanap pa ng iba?

[Verse 2: Moira Dela Torre]
Binalikan ko ang mga litrato, panahon na masaya pa tayo
Hinahanap ko mga ngiti mo (Mukha namang totoo)
Pero ba’t bigla kang nagbago?
Nawala ‘yung kinang sa mga mata mo
‘Di naman siguro peke lahat ng ito
Pero bakit ganito?

[Bridge: Zack Tabudlo & Moira Dela Torre]
Nawawala na ata ‘ko sa sarili
Binigay ko ang lahat para sa pag-ibig
Hindi ko na alam ang aking gagawin (Gagawin)
Sinira mo na ‘ko sa iba
Ako na ‘yung nagmumukhang masama
Pero ba’t andito ako nagdurusa?

[Chorus: Zack Tabudlo, Moira Dela Torre, Both]
Alam ko namang, alam ko namang
Hindi ako ang hanap mo na, ang hanap mo na
‘Wag mo naman patagalin pa, patagalin pa (Yeah, yeah, whoa)
Kung wala namang nangyayari na, nangyayari na (Ayoko na, ayoko na)
Nagmumukha na lang akong iba (Nagmumukha na lang iba)
Sa dapat mundo nating dalawa
Sa’n na nga ba tayo pupunta? (Sa’n na pupunta?)
Tinadhana naman pero naghahanap ka ng iba

[Outro: Zack Tabudlo, Moira Dela Torre, Both]
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba)
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba)
Ba-ba-ba ng iba (Ng iba, yeah)
Nagmumukha na lang akong iba
Sa dapat mundo nating dalawa (Sa dapat mundo nating dalawa)
Ano ba ang nangyari na? (Parang gago lang ‘di ba)
Tinadhana naman pero naghahanap ka ng iba

Leave a Reply

Your email address will not be published.