Categories
Yeng Constantino

Ikaw

Ikaw lyrics by Yeng Constantino

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip-isip ko
Hindi ko mahinto, pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap-ngarap ko
Simula nang matanto
Na balang araw, iibig ang puso

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw

Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo
Ngumingiti ng kusa aking puso
‘Pagkat nasagot na ang tanong
Kung nag-aalala noon
Kung may magmamahal sa ‘kin ng tunay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na ikaw
Ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw

At hindi pa ‘ko umibig ng gan’to at nasa isip
Makasama ka habang buhay

Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw

Puso ay nalumbay nang kay tagal
Ngunit ngayo’y nandito na
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal, biyaya ka sa buhay ko
Ligaya’t pag-ibig ko’y ikaw

Pag-ibig ko’y ikaw

Leave a Reply

Your email address will not be published.