Isla lyrics by Aly Remulla
Nais kong makita ang pagsikat ng araw
Na ika’y kasama
Nais kong hawakan ang iyong kamay
Hindi alintana ang dilim na nakapalibot sa atin
Halika na
Sa mundo kung saan di ka na lilisan
Halika na
Sa alaala ng ating tahanan
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba ang tatawirin?
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba ang tatawirin?
Makita ka lang
Makita ka lang
At saan man dalhin ng aking gitara
Ikaw ang laging nasa isip gabi at umaga
At sa bawat pampang na aking daungan
Hindi ka matanaw
Ako’y naliligaw
Halika na
Sa mundo kung saan di ka na lilisan
Halika na
Sa alaala ng ating tahanan
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba ang tatawirin?
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba ang tatawirin?
Ilang milyang layo
Maglalayag ang puso kong
Sa iyo lang patungo
Yakapin ang mga bisig ko
Nandito na
Sa mundo kung saan di ka na lilisan
Nandito na
Sa alaala ng ating tahanan
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba?
Ilang isla pa ba?