Categories
Pat Cardoza

Kailan Ka Babalik

Kailan Ka Babalik lyrics by Pat Cardoza

Sa bintana ako’y nakasilip
Tinatanaw ang madilim na paligid
Nasa’n ka, nasa’n ka
Kailan ka babalik

Tumatakbo ang kamay ng orasan
At tila ba mga mata ko’y ayaw nang tingnan
Ang tagal, ang tagal
Ngunit ako’y maghihintay
Sa ‘yong pagbabalik….

At kung maisip man ako
Sana’y maramdaman ng puso mo
Na ikaw, oh ikaw ang lagi kong inaasam
At kung malayo man ang abutin
Ng awit kong kulang sa pansin
Mahal ko, mahal ko, sana ito’y iyong dinggin

Sa kwaderno ay aking inipit
Mga sulat mong tunog ay langit
‘Di na ba, ‘di na ba ito muling mauulit

Mga pangako mo’y aking hinahagkan
At bawat luha ang patak ay tila ulan
Dapat ba, dapat ba
Dapat pa bang maghintay
Sa ‘yong pagbabalik

At kung maisip man ako
Sana’y maramdaman ng puso mo
Na ikaw, oh ikaw ang lagi kong inaasam
At kung malayo man ang abutin
Ng awit kong kulang sa pansin
Mahal ko, mahal ko, sana ito’y iyong dinggin

Mahal lumisan na ang araw, ohh…
Mahal lumisan na ang araw

Sa bintana ako’y nakasilip
Tinatanaw ang madilim na paligid
Nasaan ka, nasaan ka
Kailan ka babalik

Leave a Reply

Your email address will not be published.