Categories
Maymay Entrata

Kakayanin Kaya

Kakayanin Kaya lyrics by Maymay Entrata

Natulala nang makita kang may kasamang iba
At sa ‘king puso ay may kaba
Dahil nagtataka kung saan nga ba
Nagkamali o nagkulang ba?
Ano nga ba’ng meron siya?
‘Di ko na malaman pa ang gagawin

Kakayanin kayang ika’y mawala
At sa kanya’y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?
Kakayanin kayang ika’y may iba
At ang mahal mo’y kaming dalawa?
Akin na lang bang tatanggapin?
Kakayanin kaya?

Nag-iisip kung magkukunwari na lang ba ako
At itatago ang sakit?
Pipilitin bang tanggapin
Na ika’y may ibang bukod sa ‘kin

Kakayanin kayang ika’y mawala
At sa kanya’y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?
Kakayanin kayang ika’y may iba
At ang mahal mo’y kaming dalawa?
Akin na lang bang tatanggapin?

Kakayanin kaya na hayaan ka na lang?
O ipaglalaban ba ang pag-ibig ko?
O ‘wag na lang?
Hindi ko alam

Kung kakayanin kayang ika’y mawala
At sa kanya’y ipaubaya
At hayaang sumaya ka sa piling niya?
Kakayanin kayang ika’y may iba
At ang mahal mo’y kaming dalawa?
Akin na lang bang tatanggapin?
O akin na lang bang papalayain?
Kakayanin kaya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.