Categories
Guddhist Gunatita

Kalangitan

Kalangitan lyrics by Guddhist Gunatita

sa tuwing napapatanaw ako sating kalangitan
lalo kong natatanggap ang kalapitan
na balang araw lahat tayo ay mapapalitan
mga bagay sa mundo ay merong may katapusan yeah

pero di na bale, patuloy aabante
at kung san man ako dadalin ng ihip
ng hangarin ko ilalagay sa isip
papalarin din sa landas na napili
ang lahat ay gagaan sa ngalan ng pagibig

ang aking mga hiling natupad
meron nang nakikinig sa wakas
pinapangako kong hanggang may lakas
gagawa ng musika hanggang sa wakas

dito nako nabuhay, dito ko nakita halaga nitong buhay,
parang dati rati lang mata ko’y mapungay,
ngayon kita mo liwanag na bitbit ko makulay yeah

salamat sa mga naniniwala sakin
sa tinig ko sa aking mga sinasabi
hangarin ko lahat tayo ay pagpalain
sa tuwing bumibigat pasan napapakapit

sa bawat isa pamilya kita
kaibigan alangan na iwan kita,
wag kang bibitaw wag kang aayaw,
di magtatagal ay matatanaw

makakamtan kung anong mga para satin
matitikman kaginhawaan palayain
kung ano man yung mga panget na nangyari
kalimutan upang maka usad na sa byahe

alam ko naman na merong patutunguhan
mga paghihirap natin hindi masasayang
tatapat din ang roleta satin balang araw
sa pagpanaw din naman ang bagsak sa mundong ibabaw

ay lilisan din tayo sapagkat
ang mga to’y di permanente lahat
ngayon palang kailangan mong matanggap,
na sa mundong to ay ala-ala kalang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *