Categories
Esang De Torres

Kapit Lang

Kapit Lang lyrics by Esang De Torres

Kita ko ang ‘yong nararanasan
Kay bigat sa ‘yong kalooban
Para bang ito ay ‘di mo na makakayanan
Sa kanya ay kapit ka lang

Pagkat buhay ay sadyang pagsubok lang
Kaibigan, makakaya mo ‘yan

Kapit lang at ako ay kasama mo
‘Di ako bibitiw sa ‘yo
Kapit lang darating din ang araw mo
Sa bawat hamon, ay ‘wag kang patatalo

Ikot ng mundo ay ganyan lamang
May saya at may kalungkutan
Tibay ng loob ang s’yang dapat at kailangan
Darating din ang kasagutan

Pagkat buhay ay sadyang pagsubok lang
Kaibigan, makakaya mo ‘yan

Kapit lang at ako ay kasama mo
‘Di ako bibitiw sa ‘yo
Kapit lang darating din ang araw mo
Sa bawat hamon, ay ‘wag kang patatalo

Kumapit ka lang
Hindi kita iiwanan
Pagkat ikaw ang kaibigan ko
Kahit kalian pa man, ako’y naririto

Kapit lang at ako ay kasama mo
‘Di ako bibitiw sa ‘yo
Kapit lang darating din ang araw mo
Sa bawat hamon, ay ‘wag kang patatalo
Kapit lang…
Sa bawat hamon, ay ‘wag kang patatalo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.