Categories
LTNM

Kapit Lang

Kapit Lang lyrics by LTNM

Huwag kang lumuha kung iniwan ka na niya
Dapat nga dati pa, iniwan mo na siya
hindi sya ang nararapat sa ‘yo
Kung talagang mahal ka niya
‘Di hahantong sa ganito

Ano ba ang tama?
Ano ba ang mali?
Pag umibig ka tila wala namang mali
Maaari ba kaya nating malaman
para handa kana sakali man na masaktan

Hindi man ngayon o bukas pa
maaaring abutin ng makalawa
huwag kang magsasawa na maghintay
pagkat hindi naman na kailangan pa na malumbay..
pilitin mang akitin ng damdamin
huwag kang papatangay, hindi mo man kayanin,
kapit lang, kapit lang, malay mo sya’y nasa malapit lang

Walang kasing sakit
puso’y binabalot na ng poot at galit
tadhana ay sadya nga ba na kay lupit
may aasahan pa kayang hulog ng langit

Alam naman natin ang tama
alam naman natin ang mali
pag umiibig ka, di mo makita ang mali
maaari ba kaya nating malaman para handa kana, sakali man na masaktan

Hindi man ngayon o bukas pa
maaaring abutin ng makalawa
huwag kang magsasawa na maghintay
pagkat hindi naman na kailangan pa na malumbay
pilitin mang akitin ng damdamin
huwag kang papatangay, hindi mo man kayanin,
kapit lang, kapit lang, malay mo sya’y nasa malapit lang

Hindi naman kailangan pang hanapin,
idaan mo lang ito sa panalangin
hintayin mo lang pagkat sadyang may perfect timing
alam nia kung sino ang nakalaan sa atin

Hindi man ngayon o bukas pa
maaaring abutin ng makalawa
huwag kang magsasawa na maghintay
pagkat hindi naman na kailangan pa na malumbay
Pilitin mang akitin ng damdamin,
huwag kang papatangay, hindi mo man kayanin
kapit lang, kapit lang.. kapit lang.. kapit lang kapit lang
malay mo sya’y nasa malapit lang..

Leave a Reply

Your email address will not be published.