Categories
Rangel

Kung Ako Ang Lalayo

Kung Ako Ang Lalayo lyrics by Rangel

Ayokong maiwanan ngunit bakit parang
Ikaw pa ang masasaktan
Ang aking kalungkutan pilit humaharang
Saya’y ang hirap na makamtan

Kahit na nandito ka, nadaramang pag-iisa lumalala,
Paglisan ba’y nagbabadya?
Nahihirapan sa’king kalaban,
Ako pa ba ang tatantan?

Para bang mga kamay ko pa ang bibitaw
Akala ko ikaw ang unang aayaw
Patawad kung ako ang lalayo
Kung ako ang lalayo

Ayokong maiwanan ‘di ko inasahan
Ako pala ang kalaban ko
Bulong nitong isipan, mauna nang lumisan
Paghandaan ang ‘yong pagtakbo

Kahit na nandito ka,
nadaramang mawawala nagbabanta,
uhaw ko na makawala
Nahihirapan sa’king kalaban,
Ako pa ba ang tatantan?

Para bang mga kamay ko pa ang bibitaw
Akala ko ikaw ang unang aayaw
Patawad kung ako ang lalayo
Hadlang lang ang ‘di matigil na mga sigaw
Sa isip kong isang mundong nagugunaw
Patawad kung ako ang lalayo
Kung ako ang lalayo

Ako ang lalayo
Ako ang lalayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.