Categories
Justin Vasquez

Kung Ako Na Lang Sana

Kung Ako Na Lang Sana lyrics by Justin Vasquez

Heto ka na naman kumakatok sa ‘king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba’t kailan lang nang ika’y iwanan niya
At ewan ko nga sa ‘yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay ‘di mo makita

Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa ‘yo

Heto pa rin ako, umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito’y magbago
Narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang
Mahalin mo rin akong lubusan

Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa ‘yo
Kung ako na lang sana…
Ohh… ohhh…

Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang ‘yong minahal
‘Di ka na muling luluha pa
‘Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa ‘yo
Kung ako na lang sana…

Leave a Reply

Your email address will not be published.