Categories
Magnus Haven Skusta Clee

Kung Tayo and Imahe Mashup

Umiiyak ka na naman
Dahil sa walang kwentang dahilan
Ano ba ang nangyari sa’ting dalawa
Lagi na lang tayong hindi nagtutugma

Pag-usapan natin ‘to
Masyado na kasing magulo
Mahal pa rin naman kita
Pero parang ang labo na talaga
Baka kailangan na muna natin ng oras
Para pag-isipan ang lahat ng ‘to

Kung tayo talaga
Tadhana ang magsasabi sa atin
Kung bitaw ba o kapit pa
Kung para sa’kin ka kahit mawalay pa
Hahanapin ng puso ang daan pabalik sa’yo

Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan
‘Wag mo nang balikan, patuloy ka lang masasaktan
‘Di nagkulang kakaisip sa isang magandang larawan
Paulit-ulit na binabanggit ang pangalang nakasanayan

Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Sadyang mapaglaro itong mundo

Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Puso natin ay hindi sa isa’t isa

Kinalimutan kahit nahihirapan (Tama na muna ‘to)
Para sa sariling kapakanan (Tama na muna ‘to)
Kinalimutan kahit nahihirapan (Tama na muna ‘to)
Pag-ibig na ating sinayang (Ohhh)

Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana
Hanggang dito na lang tayo

Kung tayo talaga
Tadhana ang magsasabi sa atin
Kung bitaw ba o kapit pa
Kung para sa’kin ka kahit mawalay pa
Hahanapin ng puso ang daan pabalik sa’yo

Kung tayo, tayo (Pinagtagpo)
Kung tayo, tayo (Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana)
Kung tayo, tayo talaga

Kung tayo, tayo (Pinagtagpo)
Kung tayo, tayo (Ngunit hindi tinadhana)
Kung tayo, tayo talaga

Ooohhhh…
Kung tayo’y ‘di tinadhana

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *