Categories
ALYSSA

Lahat

Lahat lyrics by ALYSSA

Gabi-gabing humihiling
Sa pagdating ng mga bituin
Na’king makapiling
Ang himbing sa iyong tabi

Tatakbuhin, kung kailangan
Man nating lakbayin
Mga araw ng pag-iisa’t lamig
Makauwi lang muli sa iyong bisig

Ikaw ang init sa magdamag na ginaw
Ang minsang ligaw sa dagat ng bughaw
Ang malambing na yakap ng dilim
At ang liwanag sa ‘king takipsilim
Ikaw, ikaw
Ikaw ang lahat

Damang-dama ang payapang dala
Ng ‘yong pagsama
Ang ginhawa ng pusong di nag-iisa
Kahit minsan noon ay nagsara

Ikaw ang hila sa bawat tulak nila
Ang pangangambang ayaw kong mawala
Ikaw ang hantungan ko sa aking bawat galaw
At bahagi ng aking balang araw
Ikaw, ikaw
Ikaw ang lahat

Sumobra man ang kulang
Sa iyo pa rin ilalaan
Ang bawat puwang
Dahil mahal, ikaw
Ikaw ang lahat

Mahal, ikaw
ikaw ang lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published.