Categories
mrld

Maligayang Pagkunwari

Maligayang Pagkunwari lyrics by mrld

[Verse 1]
Mahal kita, ‘wag kang magbago
Sabihin ang lahat, ‘wag kang magtago
Ng kahit pa ano-ano ang sikreto
Mahal kita, pangakong ‘di ako mabibigla

[Pre-Chorus]
Pero pa’no kung hindi ko kayang ilahad
Ang mga salitang nararamdaman?

[Chorus]
O ganito na lang ba?
Sa simpleng “ayos lang” na lang ba tatapusin?
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim?
O maligayang pagkunwari

[Verse 2]
Takot lang sa isipan na magbago
Ang ihip ng hangin na nandirito
Hindi alam at ‘di pa sigurado
Kung pa’no ba at kung saan sisimulan

[Pre-Chorus]
Pagod na sa pagtago ng nilalaman
Pero sige lang, ‘di kita sasaktan

[Chorus]
O ganito na lang ba?
Sa simpleng “ayos lang” na lang ba tatapusin?
Ang lahat ng salitang gustong sabihin
Magpapalunod na lang ba sa mga lihim?
O maligayang pagkunwari
Maaayos pa ba?
O pagkatapos ng lahat, baka magbago
Ang pagtingin siguro lalo pang lumabo
Kaya naman takpan ng pag-ngiti
O maligayang pagkunwari

[Outro]
Paano kung magbago?
Paano kung magbago?
Paano kung magbago?
Mahal kita ‘wag kang magbago

Leave a Reply

Your email address will not be published.