Categories
Shanti Dope

Maya

Maya lyrics by Shanti Dope

CHORUS
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.

VERSE 1
Nagpaulan ng talento yung Panginoon sa bago kong henerasyon,
ang isipan na nakalabas sa kahon
kapag isa ka samin alam mo na yon.
Kahit lumaki sa kalsada, di pa din nawalan ng pag-asa,
para sa kabataan ko na kababayan wala kang hindi makakaya.
Na para bang ibon na Maya, Malaya sa himpapawid gustong lumipad.
Ano mang pagsubok ang makasalubong ay kayang dalhin kahit mabigat.
Ang bagong pag-asa ng bayan, gumagawa ng kasaysayan,
di basta nagpapatangay sa agos, meron din gustong patunayan .
Malaya ang pag-iisip, bukas ang puso at diwa,
sangkatutak na ideya sa utak ang nakapila.
Diretso di tumitigil madami mang humihila pababa
ay positibo pa din dalang enerhiya.
Di nawawalan ng gasolina.
Kahit malayo ang biyahe, nakakabingi man ang mga busina,
Makina mainit pa sa kusina,
para sa kinabukasang gusto ko makita, bago sa kama dumilat,
di nila mapipigilang, kasabay ng bagong araw sumikat.

CHORUS:
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.

VERSE 2
May, puso’t talino, may sipag, madiskarte.
Sa iskwela, estudyante, pag sa bahay, negosyante.
Nakalatag ang madaming pambenta sa garahe,
bangketa, sa tanghali ang presyo kalahati.
Di natatakot sabihin ang gusto sabihin at walang piring sa mata,
Hatid ay liwanag sa bawat silid na may kadilimang hindi makapa.
Buong kalawakan napapabilib dahil malupitan na talaga.
Mga kabataang napakasolido, kahit na di mo pa halata.
Di papatalo kapag ang usapan ay sining at teknolohiya.
Pinakabago, hindi nakapako na lang sa mga makalumang ideya.
Parang bukas na libro walang itinatago,
paningin ay klaro sa mga gusto pa maging,
sa tuwing haharapin, taong nasa salamin.

CHORUS:
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.

BRIDGE:
Dahilan kung bakit nagsusumikap pa nang husto,
ay hindi lang dahil sa yamang materyal sa mundo,
kayamanang matatawag ay kung meron ka nito,
pamilyang nagmamahal, kaibigang totoo.

CHORUS:
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta,
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas lalong lumalalim ang bulsa.
Sa tuwing tinatanong ng “ey, kamusta?”
eto ang pitaka laging may pamusta.
parang Maya na malaya ang lipad,
habang tumataas, lalong lumalalim.
lalong lumalalim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *