Categories
1096 Gang Ghetto Gecko Guddhist Gunatita Luci J Polo Pi youngwise

Mga Buang (Cypher2)

Mga Buang (Cypher2) lyrics by 1096 Gang, Ghetto Gecko, Guddhist Gunatita, Luci J, Polo Pi, youngwise

Damn, yo yo, hmm, 1096 Gang
ACK on this Mofuckin beat meyn!

Ang ligalig nanaman ng mga letra saking isip
Hindi ako malalim pero di ako makitid
Mahirap kalabanin ang kagaya kong tahimik
Madali akong basahin kung lenggwahe mo’y pag-ibig
Busog nanaman ang utak ng mga sabik
Mga rimang sangkatutak kumakalabit
Sa gantong mga bagsakan sige makinig
Para kaming mga wu-tang kuya na game
Pero pasensya kung madalang maglabas ng mga bago
Mas lalo lang inaral ang sariling pagkatao
Tahimik na minamasdan ang bawat pagbabago
Sobrang daming natutunan feeling ko baliw na nga’ko
Tingin nila’y di normal ang gantong mentalidad
Masama bang tuklasin sariling abilidad?
Ginagamit ng maigi buhay na dekalidad
Alam ko saking sarili kung anong kapasidad

Lumipad angat estado at sarili, ‘di bangko
Ginalawan ng maigi ‘to, nawili, lumago
Sabi na “mananatili” pag hinga man malagot
‘Di kalaban ang sarili kaya labo mabagot
Teka di nayayamot inaaliw lang ang sarili
Inalam at pinulido ng maigi ang pinili
‘Di basta’t nag titiwala na’t bilang lang sa daliri
Ang mga nagiging kadikit kaya ‘di maiipit
Kitang kita pag kasilip, dilat dalawang mata
Subok mali at tama, naranasan kumbaga
‘Di kailangan hambingan pa para lang ikumpara
Mapanganib lang basta dahil sa pag tataka (ano ba?)
Walang bago masanay ka na nga sa mga tao
May opinyon ano man magawa
Ya mabuti na ayusin ang sarili mo bago nasa paligid mo
Ano man maging hilig mo, dapat ibigin mo

Layo ng nilibot ng paa paikot paikot
Ganon paren yung pakay ko tagumpay ay mahakot
Mga matang mapag masid sila yung natatakot
Pag mali nila napupuna gusto pang tinatago
Walang ibang sagot sarili lang naman
Kung meron din balakid di nako tatalaban
Kahit paulit ulit mangulit yung mga harang sa daan
Sila rin ang maiipit sa pinasok tandaan
Mga aral ihuhubog ka ng tama
Depende pano mo gamitin to na parang pana
Palagi sa maayos ang asta pati narin ang pag dala
Pansin mali pag kadapa pag ka tayo buo ko na
Mga pangarap nilalakad patago
Nasa bungo nilalabas gusto ren lumayo
Kung sino mang katabi kasama na lumago
Wag nyo kameng husgahan sa pinasok na mundo

Dama mo enerhiya pag kami lumalakad
Lagari sa umaga sa gabi pasalamat
Kasama mga tropang di lahat umamat
Pero maayos maglayag tinatawid mga dagat
Kamalayan ko ay pasipiko
Hindi na para talaban ng parasitiko
Walang puwang yung mga laway na may asido lamon yan sa pagibig ko
Alam ko sa sarili minsan din akong malilito
Pero parte ng laro yan
Araw araw bagong katauhan
Laging binabago ng bagong natutunan
Minsan natutunaw tanong ko sa sarili ano ba tong napasukan
Tagal ng natauhan minsan nang biniro ng mundo at nabatukan
Nilunok mga maling akala nabulunan
Alam ko malala na pero di pa to pero di pa to yon

Tunog na siguradong may mag yuyugyugan
Mga ulo na sumasabay nag aalugan
Siksik na mga letra ay nag uumpugan
Ano kanilang pangalan sabi sa bulungan
Walang pinag iba ang labas at kulungan
Masikip ay pinalawak gamit ang isipan
Nang yari nasa isip parang na ihipan
Alam mo kung bakit kasi pinag igehan

Kami yung akala mo chill lang sa buhay
Marunong mag dala kahit damit lang sa ukay
May dateng kame pumorma sa pag sulat ay mahusay
Etong pinapakinggan mo ang nag papatunay
Kami yung akala mo chill lang sa buhay
Marunong mag dala kahit damit lang sa ukay
May dateng kame pumorma sa pag sulat ay mahusay
Etong pinapakinggan mo ang nag papatunay

Wag mo sanang husgahan
Ang mga nilalaman
Gusto ko lang din naman
Nila maintindihan
Wag mo sanang husgahan
Ang mga nilalaman
Gusto ko lang din naman
Nila maintindihan

Yo 1096 Gang batang mandaluyong
Shoutout ACK, yeah yeah yeah

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *