Categories
Ima Castro Lloyd Umali

Nanliligaw, Naliligaw

Nanliligaw, Naliligaw lyrics by Ima Castro, Lloyd Umali

Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap na ako’ng kapiling mo

Dapat nga kayang sa iyo ako’y humanga
Kahit na ako’y mayro’n nang iba?
Pigilan man ang puso
Tuwid man ang tingin, lumilingon ang isip ko

Ang puso ko ay nanliligaw, ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita?
At ‘di na ‘ko manliligaw, at ‘di na ‘ko maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Kung sakali mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa ‘yong nagdaan
Nauna nang pagsuyo n’ya’y
Lihis sa ‘yong landas ‘pagkat tayo ang tadhana

‘Pag nilalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang mararamdaman
Akala ko’y nabihag n’ya
Ang puso kong itong sa ‘yo’y malayang nagpasya

Ang puso ko ay nanliligaw, ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita?
At ‘di na ‘ko manliligaw, at ‘di na ‘ko maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

‘Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya’y nagmamahal nang tunay sa akin
Pa’no na ang aking pusong (pa’no na?)
Ikaw lamang ang tanging buhay? (Ikaw lamang ang tanging buhay ko)

Ang puso ko ay nanliligaw, ang puso ko ay naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita?
At ‘di na ‘ko manliligaw, at ‘di na ‘ko maliligaw
Sana nga’y maging ikaw at ako at wala nang hahanapin

Ang puso kong nanliligaw, ang puso kong naliligaw
Bakit kay tagal nang hinihintay at ngayon ka lang nakita?
At ‘di na ‘ko manliligaw, at ‘di na ‘ko maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad

Ang puso ko’y naliligaw…

Leave a Reply

Your email address will not be published.