Categories
John Roa JRoa

Natagpuan

Natagpuan lyrics by John Roa, JRoa

Hindi ko inakala
Na darating ang isang tulad mo
Ikaw ang tanging nagpalaya
Sa’kin sa madilim ko na mundo
Salamat at hindi nagsawa piliin kahit gumulo
Pag-ibig na mapag-unawa
Sa’yo ko lang nararanasan ‘to

Nabubura lahat ng pangamba
Sa tabi ko ‘di ka nawawala
Nabubuo ang dati na sira
Ngayon handa na ‘ko na
Harapin ang umaga
Na ikaw lang ang kasama

Natagpuan ko na sa’yo
Ang tahanan hinahanap ko
Natagpuan ang tulad mo
Na handang tanggapin ang tulad ko
Natagpuan ko na sa’yo
Pagmamahal na ‘di magbabago
Natagpuan ang tulad mo
Na panghabang-buhay na
Natagpuan rin kita

Hindi ko inasahan na darating ang pagkakataon
Handa na ‘ko lahat bitawan
Maging tama lang ako para sa’yo
Nagpapasalamat sa langit dahil binigay ka sa akin
‘Di ako karapat-dapat na mahalin pero palaging
Nananatili kahit na minsan hirap na unawain ako
Tanging sa’yo ko lang nararanasan ‘to

Nabubura lahat ng pangamba
Sa tabi ko ‘di ka nawawala
Nabubuo ang dati na sira
Ngayon handa na ‘ko na
Harapin ang umaga
Na ikaw lang ang kasama

Natagpuan ko na sa’yo
Ang tahanan hinahanap ko
Natagpuan ang tulad mo
Na handang tanggapin ang tulad ko
Natagpuan ko na sa’yo
Pagmamahal na ‘di magbabago
Natagpuan ang tulad mo
Na panghabang-buhay na
Natagpuan rin kita

Ano pa bang hahanapin?
Ngayon ang tangi na dalangin ay nandito na

Natagpuan ko na sa’yo
Ang tahanan hinahanap ko
Natagpuan ang tulad mo
Na handang tanggapin ang tulad ko
Natagpuan ko na sa’yo
Pagmamahal na ‘di magbabago
Natagpuan ang tulad mo
Na panghabang-buhay na
Natagpuan rin kita, oh

Oh, oh-woah, oh-woah
Ooh-woah, woah, woah, woah

Leave a Reply

Your email address will not be published.