Natatangi

Ilang tingin pa ba sa salamin?
Ilang palit pa ba ng ‘yong damit?
Ilang kulay pa ba sayong pisngi?
H’wag magalit

Diba’t ito’y nagpausapan na
Tanging ikaw lang ang nakikita ng
Aking mga mata, aking sinta
H’wag mangamba

‘Di mo na kailangan
Pang patunayan
Ang ‘yong sarili
Pag mamahal mo lamang
Ang natatangi
Para sa akin
Sa akin

Ohhhh

Kung susubukan mong maniwala
Pangako sa iyo’y hindi mawawala
Uunahin ka bawat saglit
Sakin ay manalig

‘Di mo na kailangan
Pang patunayan
Ang ‘yong sarili
Pag mamahal mo lamang
Ang natatangi
Para sa akin
Sa akin

Ohhhh
Ikaw ang natatangi
Ohhh