Categories
raven

Ngayon Lang ‘To

Ngayon Lang ‘To lyrics by raven

May gusto lang akong sabihin
May gusto lang ding aminin
Ngayon ko lang ‘to gagawin kaya kung pwede lang sana oras mo’y aking hingin
Hindi naman sa papansin
Talagang may gusto lang sabihin

Nagsimula kasi ‘to no’ng nakilala kita
Unang kita ko pa lamang alam ko na iba ka sa kanila
Ibang mga babae hindi ‘to magagawa
Natural lang ang galawan

Talagang ako’y nahulog na sa kagandahan mong taglay
Mga simpleng bagay dali-daling nagkakakulay
Ang sarap mabuhay
Panaginip ba o tunay?

Nang dahil sayo nagbago ang aking mundo
Tapos ngayon ako ay nagtataka kung bakit hanggang sa pagtulog,
naririnig ang tinig mo’t nagsisilbi kong kumot
Salamat at nakakaiwas sa bangungot at sa boses mo na pumapawi ng lungkot
At kahit nakasimangot lalo na pag ngumiti, ang mundong dating umiikot, tumitigil sandali

Ganon ka sakin katindi, natatama ang mali, ang hirap ay dumadali at tsaka..

Chorus:
Mga awitin, mga himig sa’king isip ay nilalaan sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ang aking mga labing may ngiti hanggang gabi’y hindi mapigil dahil sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
oh ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)
ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)

Ngayon lang din nagkagan’to, nang dahil lamang sa iyo
Hawak ang natatanging susi na ikaw pala’ng may-ari
at dali mo lang nabuksan ang pinto ng aking pusong matagal napahinto
Dating tanso na ginawa mo ng ginto
Kahanga-hanga, ‘di kapani-paniwa, ‘di ko din inaakalang may dalagang tulad mo (ayee)
Mula sa dulo ikaw ay tatanawin kahit mahaba na ang pila, ikaw ay hihintayin
Ilang taon man ang lumipas, pangako’y ikaw pa rin

Sulit din sa dulo dahil ako ay gusto mo rin
Hindi kailangan na magmadali
Alam ko rin hindi ‘to madali
Sa’yo lang ako kumportable
Sa’yo lang ‘to mangyayari at tsaka..

Chorus:
Mga awitin, mga himig sa’king isip ay nilalaan sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ang aking labing may ngiti hanggang gabi’y hindi mapigil dahil sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
oh ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)
ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)

Mga awitin, mga himig sa’king isip ay nilalaan sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ang aking labing may ngiti hanggang gabi’y hindi mapigil dahil sa’yo (ngayon lang ‘to)
Ikaw ang laging nasa aking panaginip, katabi paulit-ulit
oh ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)
ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)

(La, la, la…)

Ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)
Ngayon lang ‘to (ngayon lang ‘to)

Leave a Reply

Your email address will not be published.