Categories
esseca

ORAS NA

ORAS NA lyrics by esseca

Chorus:
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo

Verse 1:
‘Wag;
‘Wag na muna natin isipin
Ang mga kinakagalit saakin;
Hindi naman kasi ‘ko nag imbento
Nung sinabi kong “sayo lang nakasentro”
Halos di na nga ako makatrabaho
Sa kakaisip sa iyo halos mabaliw na ‘ko!
O teka lang
‘Di kita sinusumbatan
Kaya easy ka lang
‘Wag ka na magsimula
Napagkasunduan narin naman ang
Ang mga bawal sa hindi kaya
‘Wag ka na magalit
‘Di na maaayos to
(kaya oras na siguro na tuluyang bumitaw)
‘Wag ka makampante
Alam mong kaya ko
(walang dapat na sisihin na iba kundi ikaw)
Pero

Chorus:
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo

Verse 2:
Teka pwede
Pwedeng teka muna?
Nagbibilang ng oras, kala mo ay nasa selda
Nagkamali muli ano kaya ngayong sentensya
Ang ipapataw mo baka pwedeng magpaliwanag muna
Sinta?
Alam kong sawa ka na
At napagadaanan mo na
Ang walang katapusan na bangayan

Pero ganto talaga ang buhay ng nasa talata
Alam kong matatapos bago pa magsimula
Alam ko na masama pero bakit pa ginawa?
O ayan tuloy, ako pa tuloy ang napasama
Sa iyong mga mata, ako naman ang masama, kahit na wala naman akong maling ginagawa;
Kulang nalang ay pagsisihan ko ba’t ba pinanganak
Kaya ngayon parang mas gusto ko nalang mawala…

Bridge:
‘Wag ka na magalit
‘Di na maaayos to
‘Wag ka makampante
Alam mong kaya ko

Chorus:
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo

Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo

Outro:
Oras na siguro para ako’y bumitaw na;
Bumitaw na sayo

Leave a Reply

Your email address will not be published.