Categories
JaySen

Paborito

Paborito lyrics by JaySen

Teka lang
Pano ko ba ′to masisimulan
Ang hirap naman
Wala na ngang salita na napapakinggan
Nararamdaman ba natin ay sadyang paglaruan
Alam ko naman ako lang din naman ang magpapagaan
Ano ba to? Talaga bang ginagago na ko ng
Buong mundo wala na bang makapagbago
Nang nakasanayan dingin naman kahit minsan
Isang katunayan na di ko pa naranasan

Gabing gabi gulong gulo
Gigising nalang bakit ba ako’y litong lito
Sa dinami dami ng naging problema ko
Bakit ba ikaw ang naging paborito ko

Aking paborito
Teka halika dito
Papatunayan ko sayo na di madali to
Alam kong mali ko
Kaya pasensya kung sayo binalewala ko lahat
Alam ko gusto mong makipag ayos pero di ko maiwasan na magkalat
Oo mabigat ang ating mga dinadamdam
Baka makasilat kaya patuloy lang sa pag hakbang
Papalayo para kumalma nadin ang utak ko
Pero pano ko magagawa kung pahinga ko mga yakap mo

Gabing gabi gulong gulo
Gigising nalang bakit ba ako′y litong lito
Sa dinami dami ng naging problema ko
Bakit ba ikaw ang naging paborito ko

Nabuo ang imahe
Nang huling mensahe
Alam ko na grabe para masabi ibang atake
Kapag nadyahe san nakabase
Andami dami na ng putahe pero palage na paborito ang pipiliin
Bago sumapit ang alas dose
Di naman ako sa nagmamadali
Pero di na para lagyan ng palamuti
Ang tanging nagawa ko lang mali ay di ko namalayan na nasayang
Di ko nasulit lahat ng mga sandali
Parang tanga na di na makaramdam
Bakit di pwedeng ulitin nalang
Ibalik ang lahat sa nakaraan

Gabing gabi gulong gulo
Gigising nalang bakit ba ako’y litong lito
Sa dinami dami ng naging problema ko
Bakit ba ikaw naging paborito ko

Limutin natin ang mundo
Bumalik sa nakaraan ikaw lang at ako
Alam ko na niloko ko lang ang sarili ko
Hindi na makikita naging paborito ko

Leave a Reply

Your email address will not be published.