Categories
Janno Gibbs

Pag-ibig Kong Tunay

Pag-ibig Kong Tunay lyrics by Janno Gibbs

Kay sarap isipin na ako’y mahal mo pa
Pag-ibig mo’y hindi nagbago mula sa simula
Kahit minsan ay mayroong humahadlang sa atin
Tamis ng pag-ibig ay ‘di nagpadaig

Puso ko’y sumasaya sa tuwing kapiling ka
Pag-ibig ko’y ‘di maglalaho ‘pagkat mahal kita
Kahit minsan ay nagtatampo ang aking puso
Halik at yakap mo ang s’yang ligaya ko

Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya
Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan sa dulo ng aking mundo ikaw lang at ako…

‘Di ko ipagpapalit ang ating pag-ibig
Ang pagmamahalan nati’y tapat hanggang langit
Kahit minsan ay tinutukso ang aking puso
Akoy tapat sa ‘yo, tulad ng pag-ibig mo

Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya
Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan sa dulo ng aking mundo ikaw lang at ako…

Kahit minsan ay tinutukso ang aking puso
Ako’y tapat sa ‘yo, tulad ng pag-ibig mo

Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan ikaw lamang sa buhay ko ang nagpapasaya
Ikaw ang pag-ibig kong tunay
Walang hanggan sa dulo ng aking mundo ikaw lang at ako…

Ooohh…

Leave a Reply

Your email address will not be published.