Categories
Antenorcruz

Pagbigyang Muli

Pagbigyang Muli lyrics by Antenorcruz

Muli ay ‘yong pagbigyan
Ako’y nagkamali
Muli ay ‘yong patawarin
Ako’y nagsisisi
Alam kong ako’y nangakong
‘Di na mauulit pa
Ako’y nagkamali sa ‘yo
Muli ay patawarin mo

Ako ba’y ‘yong yayakapin
Nakaraa’y kayang limutin
Magtiwalang muli
Mahalin mong muli
Magbalik ka sa ‘kin

‘Di ko kakayanin kung
Ika’y mawawala sa aking piling
‘Di ko kakayanin ‘pag
Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
‘Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa ‘yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko’y muling tanggapin

Muli ay ‘yong pagbigyan
Pag-ibig natin
Sabihin mo sa akin
Ang ‘yong gusto’y susundin
Magtiwalang ‘di sinasadyang
Maging ‘di tapat sa ‘yo
Nakalimot nga ako
Nangyari’y ‘di ko ginusto…

Ako pa ba’y kayang yakapin
Ang init ng halik sa akin
Kaya bang ibalik
Dama ang bawat saglit
Ng sakit ngayong wala ka na

‘Di ko kakayanin kung
Ika’y mawawala sa aking piling
‘Di ko kakayanin ‘pag
Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
‘Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa ‘yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko’y muling tanggapin

Muling mahalin
‘Di kakayaning ika’y mawala sa aking piling
Muling tanggapin
Ika’y magbalik, magtiwalang muli
Muling ibalik ang pag-ibig
Na dati’y sa atin…
‘Pagkat…

‘Di ko kakayanin kung
Ika’y mawawala sa aking piling
‘Di ko kakayanin ‘pag
Nalaman kong wala nang pag-ibig sa akin
‘Di kayang mag-isa, gustong kasama kita
Sa ‘yo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko’y…
Muling tanggapin

Muling tanggapin
Muling tanggapin

Leave a Reply

Your email address will not be published.