Categories
Jude Pastor

Pagtagpo

Pagtagpo lyrics by Jude Pastor

Minsan ako’y nanalangin
Na sana’y ika’y muling makapiling
Sa panaginip ika’y nanatili
At ang iyong tinig
Palaging naririnig

‘Di ko na matakpan
Ang sakit na nararamdaman

Kung magkatagpo man tayo
Pipilitin kong ‘di lumuha
Gusto ko nang maging masaya
Maalala mo lang sana
Ang pangako mo sinta
Ako’y lumaban na kahit na wala ka nang nararamdaman
Ako’y lumaban kahit nasasaktan

Tumatakbo ang oras
‘Di na kita mahabol
Ang layo mo na
‘Di na kita maabot

Ito na ang huli
Hanggang dito na lang ohhh…

Kung magkatagpo man tayo
Pipilitin kong ‘di lumuha
Gusto ko nang maging masaya
Maalala mo lang sana
Ang pangako nating dalawa
Ako’y lumaban na kahit na wala ka nang nararamdaman
Ako’y lumaban kahit nasasaktan

Pilit kinalimutan
Pasan ko na alaala
Ba’t kailangan pang ikaw ang mabura
Sa ukit ng ating larawan
‘Di na masisilayan
Ba’t kailangan pang ikaw ay mawala

Kung magkatagpo man tayo
Handang-handa na akong bumitaw
Puso ko’y wala ng ikaw

Leave a Reply

Your email address will not be published.