Categories
Minaw

Palayo

Palayo lyrics by Minaw

Kailangan ko ng mapagsasabihan
Pero ‘di ko lang alam sino ang lalapitan
Kunting kunti na lang ay sasabog na ako
Umaapaw na sa ulo ang mga alaala mo

Sinubukang kalimutan
Ang mundo na dating pinagsaluhan
Sinubukan ngunit ‘di ko kayang
Iwanan ang lahat sa atin

Kahit ano pa ang aking gagawin
‘Di na babalik
Kahit pa ipilit
Buksan ang sarado mong damdamin
Puso ay lumalayo
Palayo nang palayo nang palayo

Kailangan ng itapon ang lahat ng ‘to
Pero bakit ang higpit ng hawak sa litrato mo
Kailan kaya makakatakas sa iyo
Kahit saan pa lumingon mukha mo nakikita ko

Sinubukang kalimutan
Ang mundo na dating pinagsaluhan
Sinubukan ngunit ‘di ko kayang
Iwanan ang lahat sa atin

Kahit ano pa ang aking gagawin
‘Di na babalik
Kahit pa ipilit
Buksan ang sarado mong damdamin
Puso ay lumalayo
Palayo nang palayo nang

Kahit ano pa ang aking gagawin
‘Di na babalik
Kahit pa ipilit
Buksan ang sarado mong damdamin
Puso ay lumalayo
Palayo nang palayo nang palayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *