Categories
Guthben Duo

Pekeng Sikat

Pekeng Sikat lyrics by Guthben Duo

(Sumasangga…)

Ganito ba kalayo walang
Hanggang pagnanasa
Liliparin ang bituin
Uupo sa mga tala
Mahawakan ang hangin
Kahit hindi nakikita
Suntok sa buwan
Kung ika’y mahina
Sa’min dumating
kapalarang ‘di akalain
Isang laro sa’min na
marami ang nakapansin
Biglang umikot camera
sa’min million napatingin
isang panaginip
na ayaw ko na magising

Kaya sabi ni Inay
nasa tao din naman
kung paano mabubuhay
Kung paano aangat at
paano makikisabay kaya
walang puwang ang mga
sumasablay

‘Bat kailangan mong
dumikit sa sikat
Para pangalan mo ba ay
maiangat
Ngunit aasahan mong
may halagang katapat
Para ba maabot ang
Pekeng pagsikat

Peking Pagsikat
Peking Pagsikat
Peke, peke, peke, peke
Peking Pagsikat
Peking Pagsikat
Peke, peke, peke, peke

Kayo namang mga nasa
itaas bat humihingi kayo
ng mga padulas
Dahil feeling niyo
kayo’s malalakas
bulsa nyo’y kumakatas
sa pekeng pag sikat
inyong binabasbas
Bibigyan nyo nga kami
ng titulo kaso pilot niyo
naman kaming tinutukso
Sa mga matatamis na
pangako tapos ang kapalit
naman ay katawan ko

Ang iyong pundasyon ay
bumabaon at tumatatak
sa humahamon
kahit dumaan ang mga
panahon awit mo’y nasa
labi ng henerasyon

Minsan nga kaming
nayayamot sa taong inggit
na mahirap magamot
Mga utal talangka
puno ng lumot pinilit
hinihila sa malamin na
laot
Talento mo’y kailangan
idaan sa maraming
gilingan kailangan kiskisin
para lumabas ang kaputian
Parang sisidlan na hindi
nalalamanan hindi
bibigat kung ‘di mo
pupunuan

Salamat kay Itay kami
kanyang pinaniwala
sakin pamilya sila
unang nagtiwala
Sa mga bumabato sila
ang kasamang
sumasangga
Kay Inay na pumupunas
na aming luha

Ilang bese muntikan na
nga akong mapasuko ako’y
lumaban tumayo dahil
gusto kong lumago
Maraming sakripisyo
mga pawis at dugo
makakamtan mo ang
inaasam na tumanim sa
puso

‘Bat kailangan mong
dumikit sa sikat
Para pangalan mo ba ay
maiangat
Ngunit aasahan mong
may halagang katapat
Para ba maabot ang
Pekeng pagsikat

Peking Pagsikat
Peking Pagsikat
Yeah
Peking Pagsikat
Peking Pagsikat

Leave a Reply

Your email address will not be published.