Categories
Katrina Velarde

Sa Panaginip

Sa Panaginip lyrics by Katrina Velarde

I.
Magkahawak sa dalampasigan
Dapithapon ay tinititigan
Ganyan ang pinipintang larawan
Ng aking isipan
Tuwing hihimlay

II.
Dagat ng hiraya’y sisisirin
Nanaisin kung papipiliin
Di na ko mamulat sa bangungot
Lalo pang malunod
Dahil dito’y…

PRECHORUS:
Dito o dito o dito
Dito sa mundong kahalili
Ako ang iyong pinili

CHORUS:
Sa panaginip ay
Ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising
Ayaw kong mahinto
Pagkat…
Sa panaginip ay
Ang tanging sinisinta’y
Ako lang ngunit pag gising
Ay di magtatagpo

III.
Tuwing gabi nakabalot ng kumot
Iniisip ika’y nakapulupot
Ganyan ang pinipintang larawan
Ng aking isipan
Tuwing hihimlay

IV.
Diba nga raw, libre ang mangarap
Diba’t ngayon iba ang iyong kayakap
Sana nga’y di na mamulat sa bangungot
Lalo pang malunod
Dahil dito’y…

PRECHORUS:
Dito o dito o dito
Dito sa mundong kahalili
Ako ang iyong pinili
Dito o dito o dito
Dito man lang aasa
Dito man lang nariyan ka

CHORUS:
Sa panaginip ay
Ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising
Ayaw kong mahinto
Pagkat…
Sa panaginip ay
Ang tanging sinisinta’y
Ako lang ngunit pag gising
Ay di magtatagpo

BRIDGE:
Di tulad ng dati
Paggising ko laging
Ikaw ang katabi, oh
Bakit ngayon panaginip na lang
Di tulad ng dati
Laging sinasabing
Ako ang nagiisa, oh
Bakit ngayon panaginip na lang
Di tulad ng dati
Nung ikaw ang may ari
Ng puso ko, oh
Bakit ngayon panaginip na lang

CHORUS:
Sa panaginip ay
Ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising
Ayaw kong mahinto
Pagkat…
Sa panaginip ay
Ang tanging sinisinta’y
Ako lang ngunit pag gising
Ay di magtatagpo

Sa panaginip ay
Ang tanging sinisinta’y
Ako lang ngunit pag gising
Ay di magtatagpo

Sa panaginip ay
Ikaw lang ang kapiling
Ayaw ko na ngang magising
Ayaw kong mahinto
Pagkat…
Sa panaginip ay
Ang tanging sinisinta’y
Ako lang ngunit pag gising
Ay di magtatagpo

Leave a Reply

Your email address will not be published.