Categories
Rhythm and Drip

Sana

Sana lyrics by Rhythm and Drip

Verse 1: [Kiddo Chris]
Binhi mo lang naman hinahangad
Nang makatanim at aking matupad
Sa paparating na kaarawan ng pinagpala
Ngayon pa lang panalanging makasama ka
Mag-alay ng awitin sa simbang gabi
O mangaroling nang ikaw ang katabi ngayong gabi
Kahit pa na abutin tayo ng umaga

Pre-hook 1: [Khryss Arañas]
Imahe natin tanging naiisip. (Ngayong wala ka!)
Debuho mo ang laging panaginip. (Nawa’y magkita na!)
‘Di bale nang magkalayo ngayon at noon
Basta’t sa Disyembre, syempre

Hook: [Marc Arroyo, Cean Jr.]
Sana ngayong pasko ay makasama
Nang madama ang iyong yakap
At bumuo ng bagong alaala
Sana hiling ko’y dinggin ni Bathala
Hudyat ang ugong ng kampana
Sabay sa pagtingin sa tala
Sana

Verse 2: [Nexxt777]
Sana’y
Oh, makinig ka naman sana
Kahit ngayong pasko lang makasama
Ilang taon na ring hindi nagkita (Kita)
Pero ‘di bale, gawan ko ng paraan
Makarating lang sa inyo
At sa pagdating ko ay pagbuksan mo ng pinto (‘yung pinto)
Ako na yung regalo mo
Matagal nang pinangarap na ika’y makasama ngayong pasko.

Pre-hook 2: [JP Bacallan]
Ooh, asan ka man
Hiling ko ay madama
Aking pagmamahal
Kahit pa malayo ka
Sinisiguro kong ako’y sa’yo

Hook: [Marc Arroyo, Cean Jr.]
Sana ngayong pasko ay makasama
Nang madama ang iyong yakap
At bumuo ng bagong alaala
Sana hiling ko’y dinggin ni Bathala
Hudyat ang ugong ng kampana
Sabay sa pagtingin sa tala.
Sana

Bridge: [Max Importunate, GFAB]
Pag-ibig, ugnayan, pagkakaisa
Na milya pagitan upang madama
Sa titig lambingan ng mga mata
Pamilya, kaibigan, sinta
Maipadala man lamang ang pagmamahal
Maisalo sa kada lamesa
Hiling sa sandaling pagtingin sa bituin
Na sana masama na sana

Nawa’y ang sana ko, maisakatuparan ngayong pasko
‘Kaw ay makasama ko, siyang hiling, kapiling ka’t yakap ko
Alam mo na ba o sisigaw ko pa?
Nag-iisang regalong ninanais ko’y ikaw
Oo!

Hook: [Marc Arroyo, Cean Jr.]
Sana ngayong pasko ay makasama
Nang madama ang iyong yakap
At bumuo ng bagong alaala.
Sana hiling ko’y dinggin ni Bathala
Hudyat ang ugong ng kampana
Sabay sa pagtingin sa tala
Sana

Leave a Reply

Your email address will not be published.