Categories
UDD

Sigurado

Sigurado lyrics by UDD

Natatakot ikaw ay mawala
Sa aking tabi
Namumuo ang lakas ng
aking kaloobang magmahal nang muli

Hindi ka ba katulad nila?
Magpapakilala, makikisama
Hahatian ka ng pangarap at lilisan s’yang hinahanap mo

Nalilito
Naliligaw
Maging ako
Maging ikaw

Huwag mo nang pigilan
Ang sinisigaw ng puso mo
Hindi ka bibitiwan
Kahit ano pa ang sabihin mo
Huwag nang mangatwiran
Palawakin pa ang isip mo
Hindi kita iiwan
Kahit ipilit mo, ako’y iyong iyo

Huwag ka nang mabahala
Sa araw at gabi
Hindi ako katulad nila
Magpapakilala, makikisama
Hahatian ka ng pangarap,
At lilisang may hinahanap pa

Kuha sa tingin pa lang
‘di na ako naglilibang

Palawakin ang isip mo
Nang makapasok naman ako
Sa puso mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.