Categories
GRA the Great

Slum

Slum lyrics by GRA the Great

Sabi nila “Hindi ka na mainit”
Ang sabi ko “Wala lang saken ang ilaw”
Nakawala galing don sa baba sa salapi at simpatya hindi nasilaw
Maraming halimaw sa ating laro pero kakaibang uri ako ng beast
‘Di ko na kailangan pa na bumawi tagumpay at pera ko sagot sa diss
Sa akin panis ka pa rin, dinala ako sa village ng rap ko
Sa edad kong bente anyos kaya kong sabihing ako’y milyonaryo
‘Di ba yun flex ha? Galaw ko ganto ka-pino
Babayaran ko yung ulo ng asset sa amin kapag ka nalaman ko sino
Wag mong mamatahin ang mga hustla yan ay pumupuno ng mga lamesa
Dama mo na ba enerhiya ng bata? Ramdam mo na ba alon ng mga meta?
Hindi ako beta at teka ano ba ang kaya mong itulong sa akin eabab?
Kat*ngahan bang tawagin ang isang ideya kung tumalab
Basa ang kaluluwa mo ang mga mata ko ay kung tumingin ay diretso
Bago ako kumanta sa p*t*ngin*ng event mo bigay mo tama kong presyo
Ako ang tunay na premyo, hindi nasilaw sa ilaw sige yakapin mo ang fame mo
Pero ang tanong ay gaano ka ba kalayo kayang dalhin ng game mo?
Tutuparin ko pa rin anong plano kahit mag-isa lang ako sa misyon
Madadapa possible pero agad babangon gagawa ako ng solusyon
Lahat ng tao’y may sungay namimili lang yan ng susuwagin
Buhay ko ay binigyan ko ng kulay lahat ng pangarap ko tutuparin, tignan mo men
Kung papano ako nag come up
Ang halaga ko ay aking hinanap
Malaki tiwala ko sa proseso ko yung mga kilos ko ASAP
‘Di nababasag
Lumalayo lang ako sa pahamak, ayoko ma-lock up
‘Tsaka lang ako magpapahinga kung ang paa ng pamilya ko ay ‘di na sa Slum nakatapak
‘Di na sa Slum nakatapak
‘Di na sa Slum nakatapak
‘Tsaka lang ako magpapahinga kung ang paa ng pamilya ko ay ‘di na sa Slum nakatapak

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *