Categories
JMKO

Tabi-Tabi Po

Tabi-Tabi Po lyrics by JMKO

Magbibilang ako hanggang tatlo
Sabihin mo na, ano ba tayo?
Lumalabo ang paningin
Nag-iiba ang ihip ng hangin kapag kasama ka
Ikaw lang ang nakikita, sinta
Sigaw ng puso ko

Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa ‘yo
Para lang sa ‘yo

Binabakuran mo na naman
Ang puso mong aking inaasam
‘Wag kang mag-alala, ito ay aking iingatan
Kung iyong pagbibigyan
Ikaw lang ang tinatangi, sinta
Sigaw ng puso ko

Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa ‘yo

O Diyos ko
Siya ang tanging hiling ko sa ‘yo

Tabi-tabi po, may masasaktan ba
‘Pag bilang ng tatlo’y hahanap-hanapin kita
Kahit gaano pa katagal
Ako’y maghihintay para lang sa ‘yo
Para lang sa ‘yo

Leave a Reply

Your email address will not be published.